Sa aming pakikipagpagpanayam kay Kagawad Piano ay nalaman namin ang ilan sa mga sakuna na nangyayari sa Barangay at ang ilan sa kanyang mga nasabi ay ang lindol at bagyo na ilan lamang sa pangkaraniwang nangyayaring sakuna sa Pilipinas sapagkat tayo ay nakapaloob sa "Pacific Ring of Fire" at napalilibutan ng karagatan na kung saan pinagsisimulan ng bagyo.
Ang bagyo sa Pilipinas ay natural lamang sapagkat tayo ay napapaligiran ng dagat pasipiko. Nagsisimula ang pagkakaroon ng mga bagyo sa tuwing sasapit ang buwan ng Mayo at maaring magtapos sa buwan ng Disyembre. At ito ay nagdudulot ng malaking pinsala hindi lamang sa agrikultura bagkus sa buhay ng isang mamamayang Pilipino.
Ang lindol ang isa sa mga mabagsik at mapanirang sakuna. Hindi lamang istraktura ang kaya nitong mawala pati na din ang buhay. Ang lindol ay normal lamang na mangyari sa Pilipinas sapagkat tayo ay nakapaloob sa "Pacific Ring of Fire". Ito ay isa sa pinaghahandaan ng bawat pamunuan na nakatala sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.
Nasabi rin ni kagawad ang ilan sa mga maaring maapektuhan o mapinsala kung sakali mang dumating ang sakuna at ito ay ang mga lumang estraktura dahil masasabi natin na ang Maynila ang isa sa mga mamamayan na may bahay na dati pa lamang ay doon na nakatirik. Nasabi niya na madali ang mga ito na masira dahil nga sa luma nitong mga materyales. Pati na rin ang mga gusaling ginagawa sapagkat hindi pa matibay ang pundasyon ng mga ito. at wala pang sapat na materyales na makapagpapatibay rito.