Sa aming paglalakad sa Barangay 396 masasabi ko na payapa ang lugar na ito ngunit hindi pa din masasabi na ligtas pagdating sa sakuna. Dahil walang pinipili ang kalamidad kung sino ang bibiktimahin at kung kailan ito mangyayari. Ngunit sa kahandaan ng Barangay, at ginagampanang responsibilidad ng mga opisyales nito ay masasabi kong maliligtas ang mamamayan na nasasakupan nito. Sa pagiging handa sa pagtulong at kadamay ng mamamayan isa ito sa mga Barangay na nagpapamalas ng kanilang dedikasyon at serbisyo hindi dahil sa posisyon na kanilang inuupan bagkus sa pagiisip nila sa kapakanan ng mga tao.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng aming nakita sa pagiikot sa Barangay. Mga bagay lamang ng pagpapakita ng aruga, kalinisan, kaayusan at kaligtasan ng Barangay.
Ang Pilipinas ay normal lamang na makaranas ng mga ganitong uri ng sakuna, Bagyo at Lindol. Kinakailangan lamang na bawat Pilipino o bawat indibidwal ay may sapat na kaalaman sa mga ito, kung kaya't ang mga impormasyon rito ay dapat maipakalat. Bilang Pilipino at mamamayan na naninirahan sa Pilipinas masasabi ko na ang "Social Media" ay isa sa mga mabilis na paraan upang maihatid ang mga impormasyon sa tao. Marahil sa panahon ngayon ay teknolohiya na ang kaagapay ng tao pagdating sa mga balita at impormasyon. Para sa akin ang tutulong sa Pilipino ay ang kapwa rin niya Pilipino kung kaya't marapat lamang na bigyan natin ng obligasyon at responsibilidad ang bawat isa sa pagtulong, pag-agapay at pagmamahalan.