Nasabi ni Kagawad Piano na lagi silang handa sa mga sakunang paparating isa na rito ang lindol na kung saan sila ay nagaabiso sa mga paaralan at establishmento na kung maari ay lumabas na sa kanilang mga gusali. Isa na riyan ang nasasakupan nilang unibersidad ang "Far Eastern University" na kung saan pinapayuhan nila ang mga ito na pumunta sa pinakaligtas na lugar.
Isa rin sa mga handa sila ay sa tuwing darating ang bagyo o dalubyo. Ang Maynila ay isa sa mga lungsod na binabaha sa tuwing may mga ganitong uri ng sakuna. Marahil na rin sa mga baradong kanal at libo-libong basura sa mga estero. Kung kaya't hangga't maari ay inaabisuhan na nila ang kanilang mga nasasakupan sa Barangay na lumikas upang makaiwas sa mga nagbabadyang panganib. Ang paaralan ng Juan Luna ay ang nagsisilbi nilang "evacuation center" o pansamantalang tuluyan ng mga mamayan na nakapalibot sa Barangay tuwing may sakuna. Ito rin ang kanilang pinakaligtas na lugar sapagkat maluwag ito at nasa mataas na bahagi kung kaya't hindi agad agad babahain.
Ipinakita rin sa amin ni Kagawad ang ilan sa mga gamit nila pantulong sa mga taong nakatira sa kanilang nasasakupan. Nariyan ang ilan sa mga wheelchair at iba pang pang-unang lunas na gamit. At masasabi ko na napaka-aktibo ng Barangay na ito pagdating sa pagtulong at pag-aalaga ng kanilang mamamayan.
Ang gobyerno ay nanatili pa rin namang tumutulong sa mga taong nasalanta ng bagyo at patuloy na ginagawa ang kanilang tungkulin na paglingkuran ang kanilang mamamayan. Nasabi nga ni Kagawad Piano na may mga tulong rin namang dumarating sa kanila sa mga oras na ito. Ang lokal na pamahalaan ay patuloy na dapat tumulong sa mga kapatid nating nasasalanta. At hindi dapat sila magkulang sa pag-aabiso at paghahanda sa mga ganitong pangyayari. Upang mabawasan rin ang pinsala ay gumawa sila ng aksiyon upang linisin ang mga daluyan ng tubig. Sila ang pinili ng taumbayan dapat lamang na gawin nila ang kanilang parte rito.